TV

Mylene Dizon delays plan to slow down in showbiz because of Nora Aunor

By Nherz Almo

Ayaw raw palampasin ni Mylene Dizon ang pagkakataong makatrabaho si Superstar Nora Aunor kaya tinanggap niya ang GMA Afternoon Prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit.

“First time kong mag- Ate Guy, naisip ko, I haven't worked with her,” sabi ni Mylene nang makapanayam siya ng ilang entertainment writers sa set ng Bilangin ang Bituin sa Langit kamakailan.

Noon pa raw hanga na siya sa award-winning actress, lalo pa't fan ni Nora ang kanyang ina.

“Fan ang mommy ko, lumaki ako [sa] Kislap. Kulang na lang i-plastic cover ni Mommy ang Kislap, yung malaki pa,” sabi ni Mylene.

Kumusta naman ang unang araw ng pagsasama nila sa trabaho?

“In the beginning, nakangiti ako,” sagot ni Mylene.

“Nahuhuli ko ang sarili ko, dapat serious, dapat paiyak 'yun, sabi ko, 'Teka, teka, naka-smile ako.' Parang sabi ko, 'Oh my goodness, I'm really going to be doing scenes with her.'

“It's not starstruck, it's more like surreal.

“Kasi, parang nakikita mo lang siya growing up--sa magazine, sa Piling-Piling Pelikula, parang ganun.

“Parang noong nasa harap ko, it's not starstruck, parang, 'Totoo ba ito?'”

Pinatunayan din niya ang kakaibang katangian ni Nora bilang artista.

Sabi ni Mylene, “Yung magic ng mata [niya], 'yun ang inabangan ko talaga.

“Sabi ko, 'Ah, totoo nga ang tsismis.' May ganun, ano? 'Yung kapag tumitig na sa 'yo, ikaw 'yung [maiiyak]."

CONVERSATIONS WITH NORA

Bukod sa mga eksena on-cam, kinagigiliwan din ni Mylene ang off-cam moments niya kasama ang kapwa award-winning actress.

Paglalahad niya, “Ako, this was my only chance to be with her, to share the same space with her, so I had to say yes.

“And whenever there's an opportunity to sit with her while waiting for the set to be finished, I would sit [with her]--not to talk about how was she when she was younger, how she started and all that.

“We can all read that, we can all just Google that. But how she is now and just talk to the Nora Aunor as she is.

“Sabi niya, hindi na raw sana siya magtatrabaho. Sabi ko, 'Bakit ka naman 'di magtatrabaho? Kaya ko nga tinanggap ito dahil sa 'yo.'

“Sabi niya, 'Siyempre, 'yung ate mo, nahihirapan na rin ako.' Tawa-tawa lang.

“Nagkukwento siya, hindi ko siya kailangan tanungin.

“She would freely talk about how everything started for her, how different it is now than when it was before.”

Abangan ang mga madamdaming eksena nina Mylene at Nora sa Bilangin ang Bituin sa Langit tuwing hapon, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Prima Donnas.

Mapapanood din ang full catch-up episode ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.