TV

Direk Laurice Guillen, mayroon nga bang 'extrasensory perception?'

By Aaron Brennt Eusebio

Ikinuwento ng batikang filmmaker at aktres na si Laurice Guillen na mayroon siyang 'extrasensory perception' o ESP.

Sa episode ng morning talk show ng GMA na Mars Pa More, ikinuwento ni Direk Laurice kung paano sila nag-uusap ng kanyang ina sa pamamagitan ng telepathy noong araw.

Kuwento niya, “Ang mother ko, even when she was young, even way before she got married and I was born, mayroon na siya non na mahusay siya mag-receive ng I don't know what you call it.

“Siya nakaka-receive, ako naman, more on sending, in our case.

“Lalo na nung medyo I was already on my 20s, and the time na nahiwalay na ako sa family, I was working and staying in Manila.

“Pagka mayroon ako talagang extreme na distress or something, hindi lang anxiety, basta strong emotions, tatawag na 'yan.

“Tapos sasabihin sa akin, 'Did you want to talk to me? Parang tinatawag mo ako.'

“Tatawag siya from the province, a, from Mindanao.”

She continued, “Basta very specific. In other words, kapapangyari lang o kaka-feel mo lang non and then tatawag siya.

“Very sensitive siya.”

'Bilangin ang Bituin sa Langit' director Laurice Guillen at ang kanyang ina.

Ayon sa paranormal expert na si Stargazer, maituturing telepathy na ang ginagawa ni Direk Laurice at ng kanyang ina.

Paliwanag niya, “She falls under being a telepath. So being a telepath, it's one form of ESP, so there are six forms of ESP.

“So being a telepath, nakukuha niya, pwede siya mag-send, pwede siya mag-receive ng messages, mental messages.

“Kaya lang napansin ko, naka-focus lang siya sa blood, but that doesn't mean hindi siya kaya sa ibang tao. Ang nangyari lang kasi, may connection siya.

“So naka-attune 'yung kanyang energy, sa taong 'yon. Pero if she works on it, kaya din niya maging telepath, o maka-receive and send messages sa kanyang kaibigan, basta magkaroon siya ng close relationships, makuha niya 'yung vibrations nung tao, makaka-send and receive 'yan.

“Hindi imposible, e, kasi by itself, telepath na siya.”

Bago matapos ang kanilang usapan, pinaliwanag ni Direk Laurice na hindi niya kino-consider na isa siyang telepath pero nagagamit niya ang kanyang ESP noon.

Pagtatapos niya, “I never call myself a telepath but I remember when I was still in my teens, or in my early 20s, I was using it a lot.

“I was using it a lot with people that I like, 'yung mga crushes ko.”

Panoorin ang kanilang informative na talakayan sa video sa itaas.

Si Direk Laurice ang direktor ng GMA Afternoon series na Bilangin ang Bituin sa Langit kung saan kasama niya ang kanyang anak na si Ina Feleo, na gumaganap bilang Margaux.

Pinagbibidahan nina Nora Aunor, Mylene Dizon, at Kyline Alcantara ang TV adaptation ng hit 80's movie.