TV

Cast ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit,' nagbahagi ng karanasan sa lock-in taping

By Dianara Alegre

Balik-taping na ang cast ng afternoon prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit matapos ang mahigit kalahating taon na mahinto ang produksyon nito dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ng cast kabilang na sina Kyline Alcantara, Ina Feleo, Mylene Dizon, at Yasser Marta ang kanilang mga karanasan habang nasa lock-in taping.

Bukod sa mahigpit na pagsunod sa health protocols, ibinahagi rin nila ang ilan sa mga bagay na kinaharap nila.

“Nakaka-relate po sa akin si Ms. Mylene.

"Nagkaroon din po siya ng breakout dahil sa kaka-face mask. Dahil patung-patong nga with the skin routine, tapos make up and then 'yung face shield pa tapos 'yung init pa,” kwento ni Kyline.

Sabi naman ni Mylene, nagbaon siya ng maraming pagkain upang magsigurado.

“Ang dami-dami kong baong pagkain. Because may mga bagay na hindi ko kinakain tulad ng baboy tsaka ng beef. Nagbaon na lang ako panigurado tsaka mga de lata.

“Bawal mag-padeliver dito, e. Halimbawa gusto mo magpa-deliver sa commercial restaurant, bawal. Although dito sa facility kung nasaan kami mayroon silang restaurant,” aniya.

Anila, maliit na mga bagay lang ito kung ikukumpara sa pagsisiguradong ligtas ang kanilang pagtatrabaho at kinakain sa set.

Bukod dito, na-challenge rin umano sila sa muling pag-arte.

“For me, 'yung challenges 'yun lang talaga sa scene na kinukuhanan kasi napakabigat nu'ng mga characters. Siyempre 'yung cast din napakagaling,” ani Yasser.

Samantala, kahit kabado pa rin dahil sa banta ng virus, sinabi ni Ina na masaya siyang makita ulit ang mga katrabaho niya sa serye.

“Mayroong excitement talaga bukod sa kaba dahil siyempre kailangan ng extra ingat ngayon. Ako personally, nae-excite ako talagang makita sila ulit,” aniya pa.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.