What's on TV

Pinky Amador, mapapanood sa 'Binibining Marikit'

By Jansen Ramos
Published April 21, 2025 2:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 26, 2025
Farm To Table: Enjoy the vibe!
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

pinky amador on binibining marikit


Abangan si Pinky Amador bilang Soraya sa 'Binibining Marikit' na mapapanood weekdays, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

May bagong panggigigilang karakter sa GMA Afternoon Prime dahil sa pagpasok ng bagong kontrabida sa Binibining Marikit.

Simula ngayong linggo, mapapanood sa Binibining Marikit ang batikang aktres na si Pinky Amador, na kilalang mahusay na kontrabida sa telebisyon. Partikular na riyan ang kanyang pagganap bilang Moira sa GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Gagampanan niya ang karakter ni Soraya na bagong magpapahirap kay Ikit, na ginagampanan ni Herlene Budol.

Base sa teaser na lumabas, hihingi ng tulong si Rica (Almira Muhlach) sa nakatatanda niyang kapatid na si Soraya. Ito ay matapos malaman ni Ikit na si Rica ang tunay na pumatay sa kanyang amang si Gani (Cris VIllanueva).

Very manipulative and conniving woman si Soraya na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya. Sa panlabas, sopistikada at elegante si Soraya pero, deep inside, malisyoso at may tinatago siyang masamang hangarin.

Abangan si Pinky Amador sa Binibining Marikit weekdays, 4:00 p.m. sa GMA-7.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream na available sa GMANetwork.com, at sa official YouTube channel at Facebook page ng GMA Network.

Related Gallery: Get to know actress Pinky Amador