What's on TV

HULA WHO: May bagong panggigigilan sa GMA Afternoon Prime!

By Jansen Ramos
Published April 16, 2025 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Four dead after bus falls into ravine in Camarines Sur
Four dead after bus falls into ravine in Camarines Sur
Marian Rivera and Dingdong Dantes mark Christmas with annual family photo

Article Inside Page


Showbiz News

pinky amador in binibining marikit


Kung gigil na kayo sa scammer na si Rica (Almira Muhlach), may bagong karakter pa na maghahasik ng kasamaan sa 'Binibining Marikit.'

Mas tumitindi ang mga tagpo sa pinag-uusapang GMA Afternoon Prime dahil sa mga karakter na pinanggigigilan ng sambayanan.

Pero ang nakakagigil na mga karakter, lalo pang maghahasik ng kasamaan dahil sa bagong kontrabida na mapapanood sa Binibining Marikit.

Sa teaser ng serye ngayong Miyerkules, April 16, malalaman na ni Ikit (Herlene Budol) na ang dati niyang stepmom na si Rica (Almira Muhlach) ang pumatay sa kanyang ama na si Gani (Cris Villanueva).

Ipadadakip ni Ikit si Rica sa mga pulis pero ang huli, hihingi ng tulong sa isang babae na bagong kaiinisan tuwing hapon. Makukuha na sana ni Ikit ang hustisya pero tila hindi pa roon matatapos ang unos na darating sa kanyang buhay.

Para malaman kung sino ang aming tinutukoy, patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.

Bumisita rin sa GMANetwork.com at sa official social media pages ng GMA Drama para sa iba pang updates.