
Sa episode ng GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit noong Biyernes, June 13, gumanti na sina Ikit (Herlene Budol) at May (Pokwang) kay Soraya (Pinky Soraya).
Matapos ang habulan sa isang warehouse, nagtamo ng brain injury si Soraya nang mabagsakan ng bakal sa ulo.
Ayon sa doktor, successful naman ang surgery ni Soraya pero malabo na itong maka-recover at makabalik sa dati.
Gusto nina Ikit at May na pagdusahan ni Soraya ang lahat ng kanyang kasalanan sa kulungan. Gayunpaman, nanaig ang kanilang pagiging makatao dahil nag-alala din sila kay Soraya matapos ang aksidente.
Samantala, patuloy ang pagdamay ni Drew (Tony Labrusca) kay Ikit. Ngayong wala nang threat sa buhay ni Ikit at manalo sa kanilang kaso, nais ni Drew na ipagpatuloy ang panliligaw sa dalaga.
Patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
The fashionable fits of the cast of Binibining Marikit: