
Very intriguing ang role ni Kapuso actress Katrina Halili sa upcoming full action series ng GMA Public Affairs na Black Rider.
Gaganap kasi rito si Katrina bilang isang magaling na assassin. Bilang paghahanda sa role, sumailalim si Katrina at iba pang cast members sa mixed martial arts, action choreography, at gun handling and firing.
Bukod dito, sumabak din si Katrina sa motocross training kasama ang bida ng serye na si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid, pati na ang ilang male cast members na sina Saviour Ramos, Vance Larena, Kim Perez, at Joaquin Manansala.
Nag-train ang grupo sa KSA7 Motocross School sa ilalim ni Coach Kenneth San Andres, isang professional at multi-awarded motocross rider.
Ang motocross ay isang uri ng motorcycle racing na isinasagawa sa mga off-road circuits o 'yung mga daanan na hindi sementado tulad ng buhangin, graba, sa mga ilog, putik o snow.
Dahil dito, madalas ding tawaging "dirt bikes" ang mga motor na ginagamit sa motocross.
Image Source: gmapublicaffairs (Instagram)
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng motorcycle delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa sindikatong Golden Scorpion.
Pagbibidahan ito ni Ruru Madrid kasama sina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Zoren Legaspi, Rio Locsin at marami pang iba.
Abangan ang full action series na Black Rider, soon on GMA Telebabad.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO: