GMA Logo Ruru Madrid
Image Source: blackwater.ph (Instagram)
What's on TV

Ruru Madrid, nasubukan ang trabaho ng isang delivery rider

By Marah Ruiz
Published July 18, 2023 4:50 PM PHT
Updated September 8, 2023 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Nasubukan ni Ruru Madrid ang trabaho ng isang delivery rider bilang paghahanda para sa 'Black Rider.'

Hindi lang basta training para sa pagsakay ng motorsiklo ang ginawang paghahanda ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid para sa upcoming full action series na Black Rider.

Dahil gaganap siya sa serye bilang isang delivery rider, sinubukan din ni Ruru ang trabaho ng mga ito.

Sakay ng motor na may compartment box sa likod para sa mga gamit at suot ang helmet at long sleeved shirt bilang proteksiyon, lumibot si Ruru sa Maynila at sumabay sa kasagsagan ng traffic dito.

Image Source: rurumadrid8 (Instagram)

"Nag-enjoy ako. Naikot namin 'yung Maynila. Dumaan kami sa Luneta. Mas malapit kami. Andito ako sa motor," pahayag ni Ruru tungkol sa kanyang experience.

Dahil sa naranasan, mas humanga pa raw siya sa mga delivery riders na araw-araw humaharap sa ganitong sitwasyon para makapaghanapbuhay.

"At least ngayon, alam ko 'yung buhay ng isang rider. Hindi madali dahil napakainit, tirik ang araw, pero kailangan nating gawin para sa mga mahal natin sa buhay. Kaya saludo kami sa mga riders sa buong Pilipinas," lahad ng aktor.

Isang post na ibinahagi ni GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Makakasama ni Ruru as Black Rider si Matteo Guidicelli na minsan nang inilarawan ang serye bilang pagpupugay sa mga delivery riders na nagsilbing frontliners noong kasagsagan ng pandemic.

"They developed this whole show to give due respect sa lahat ng mga frontliners. Noong pandemic, nagmo-motor sila. Lahat ng mga delivery riders, kahit sobrang pandemic, nagtatrabaho pa rin sila," aniya.

Reunited din si Ruru kay Kylie Padilla na makailang beses na rin niyang nakapareha sa ilang past projects nila.

Abangan si Ruru Madrid sa Black Rider, soon on GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO: