
Taping pa lang, mainit na ang pagtanggap ng mga manonood sa upcoming full action series na Black Rider.
Kumuha ng ilang eksena ang bida nitong si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid sa Quiapo, Manila kung saan maraming fans ang sumalubong sa kanya.
Binati naman ni Ruru ang mga ito at nagpaunlak pa ng selfies sa ilan.
"Kanina pa po naghihintay kasi 'yung mga tao po dito. Pupuntahan po natin. Babatiin lang po natin sila. Batiin lang natin," lahad ni Ruru habang papalapit sa mga taong naghihintay sa labas ng barikada ng kanilang set.
Dinumog rin si Ruru ng isa pang grup ng mga nais magpa-picture habang paalis na siya sa set at sinikap rin niyang paunlakan ang mga ito.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Bukod kay Ruru, bahagi din ng serye sina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Yassi Pressman at marami pang iba.
SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO:
Abangan ang Black Rider, soon on GMA Telebabad.