GMA Logo Ruru Madrid in Black Rider
What's on TV

Ruru Madrid, ipinasilip ang ilang bike stunts sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published October 2, 2023 3:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid in Black Rider


Ipinasilip ni Ruru Madrid ang ilang matitinding motorcycle stunts sa upcoming series na 'Black Rider.'

Muling sumabak sa ilang matitinding eksena si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid sa upcoming full action series na Black Rider.

Sa pagpapatuloy ng taping ng serye, ipinasilip ni Ruru ang ilang kaabangabang na motorcycle stunts na ginawa nila dito.

Makikita sa behind-the-scenes video na mula sa GMA Public Affairs ang stand off at habulan sa motor ng karakter ni Ruru at ni Katrina Halili.

Nandoon si series director Rommel Penesa at fight director Erwin Tagle para gabayan sila.

"So ito na guys, this is the moment. Isa 'to sa pinaka maaksiyon na eksenang gagawin namin dito po sa Black Rider. Ito po 'yung tinatawag nating motrocycle chase. Labanan po ito ng dalawa sa pinaka mahuhusay na fighters dito po sa Black Rider," lahad ni Ruru sa video.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)


Samantala, bumisita rin sa set ng Black Rider ang girlfriend ni Ruru na si Bianca Umali.

Bitbit pa ni Bianca ang mga alagang aso nila ni Ruru para ipakita ang suporta sa kanyang kasintahan.


"Binisita ako sa set ng mga mahal ko ," sulat ni Ruru sa Instagram.

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Bukod kay Ruru at Katrina, bahagi din ng serye sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman at marami pang iba.

SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO:



Abangan ang Black Rider, soon on GMA Telebabad.