TV

Katrina Halili, may cute stress reliever sa training ng 'Black Rider'

By Marah Ruiz

Puspusan ang paghahanda ni Kapuso actress Katrina Halili para sa upcoming full action series na Black Rider.

Gaganap siya rito bilang miserteryosang assassin na si Romana kaya sumailalim siya sa iba't ibang training tulad na lang ng motorcycle riding, mixed martial arts at target shooting.

"Even before, 'yung Black Darna, Lupin, iba 'yung mga action scenes ko doon eh. Alam ko maraming nakaka-miss sa akin na maging strong 'yung pesonality ko," lahad ni Katrina tungkol sa bago niyang role.

Kung intense ang kanyang karakter sa serye, very mellow naman si Katrina sa tunay na buhay.

Naka-base siya ngayong sa kanyang hometown sa Palawan kung saan focused siya sa pamilya at sa pag-aalaga ng mga pets niya.

Kabilang dito ang tortoise at maraming iba't ibang klase ng ibon.

"Pinapakawalan ko sa room ko. Parang siguro bata pa lang ako, dream ko na talaga 'yung maraming ibon sa bahay," kuwento ni Katrina.

Sa katunayan, bitbit pa ni Katrina ang isa sa kanyang mga alaga hanggang sa training niya sa Maynila. Baby parrot pa lang kasi si Joey kaya hindi niya ito maiwan sa Palawan.

"Nag-e-enjoy ako. Baby, so ang sarap alagaan tapos sweet sila," paglalarawan niya sa alaga.

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Pagbibidahan ito ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid.

Bukod kay Ruru at Katrina, bahagi rin ng serye sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman at marami pang iba.

SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO:

Abangan ang Black Rider, magsisimula na sa November 6 sa GMA Telebabad.