What's on TV

Ruru Madrid, ipinasilip ang matinding eksena nila ni Phillip Salvador sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published November 5, 2023 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Ipinasilip ni Ruru Madrid ang isang matinding eksena nila ni Phillip Salvador sa 'Black Rider.'

Aarangkada na ngayong Lunes, November 6, ang bagong full action series na Black Rider.

Pagbibidahan ito ni primetime action hero Ruru Madrid na lubos ang ginawang paghahanda para sa serye.

Sumailalim siya sa iba't ibang training para sa stunts, pagsakay ng big bikes at maging martial arts.

Makakasama ni Ruru sa serye ang maraming mga bigating action stars tulad nina Raymart Santiago, Monsour del Rosario, at Phillip Salvador.

Lubos na espesyal para kay Ruru ang reunion nila ni Phillip dahil itinuturing niya ito bilang mentor niya sa showbiz.

Matatandaang si Phillip ang mentor ni Ruru sa reality artista search na Protege mahigit 10 taon na ang nakakalipas.

Sa isang post sa Instagram, ipinasilip ni Ruru ang isang matiding eksena sa pagitan nila ni Ipe.

Mapapanood sa video ang karakter ni Ruru na si Elias na sumasailalim sa training mula sa karakter ni Ipe na si Mariano.

Masaya si Ruru na sinasalamin ng kanilang mga karakter sa Black Rider ang relasyon nila bilang mentor at mentee sa tunay na buhay.

"Isang malaking karangalan para sa akin at sa lahat ng bumubuo ng 'Black Rider' ang makasama sa isang programa ang aking Mentor sa industriya at isa sa pinakamahusay na Action Stars in Philippine Cinema History ang nagiisang Mr. Philip Salvador," sulat ni Ruru sa caption ng post.

"Abangan kung ano ang magiging papel ni Mariano sa buhay ni Black Rider. Huwag palampasin ngayong November 6 na pagkatapos ng '24 Oras,'" dagdag pa niya.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Bukod kay Phillip Salvador, makakasama ni Ruru Madrid sa serye sina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Yassi Pressman, Jon Lucas, Kylie Padilla, at marami pang iba.

SILIPIN ANG STAR-STUDDED MEDIA CONFERENCE NG BLACK RIDER DITO:

Abangan ang world premiere ng full action series na Black Rider, November 6, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.