GMA Logo Jon Lucas at Katrina Halili
Source: gmaregionaltv/IG
What's on TV

Jon Lucas at Katrina Halili, dumaan sa fitness routine bilang paghahanda sa 'Black Rider'

By Kristian Eric Javier
Published November 30, 2023 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Zero tolerance policy, sanctions vs indiscriminate firing amid New Year revelry
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Jon Lucas at Katrina Halili


Alamin ang ginawang paghahanda nina Jon Lucas at Katrina Halili para sa action scenes nila sa 'Black Rider'.

Dahil sa pagiging maaksyon ng primetime series na Black Rider, hindi nakakapagtaka na fit at healthy rin ang mga bida nitong sina Jon Lucas at Katrina Halili. Kaya naman, nagbigay ng ilang tips ang dalawa kung paano maging fit and healthy kahit pa meron silang busy schedules.

Sa interview nila sa GMA Regional TV morning show na Mornings with GMA Regional TV, ibinahagi nina Jon at Katrina ang kanilang fitness routine. Ayon kay Jon, nahihilig siya ngayon sa cycling.

“Mahilig tayong magbisikleta 'pag walang trabaho, sa umaga 'yun talaga 'yung number one na ginagawa natin, magba-bike,” pagbabahagi ng aktor.

Dagdag pa nito, bukod sa gym ay nagsimula na rin siyang mag-diet para hindi siya mabilis mapagod at gumaan ang pakiramdam niya tuwing gumagawa ng action stunts, at makaiwas din sa injuries.

Samantala, bumalik naman si Katrina sa pagte-treadmill matapos niya itong itigil noong pandemic.

“Dati masipag ako mag-treadmill pero nung pandemic, hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa 'kin, bakit parang kung kailan ako mas maraming oras, doon nawala 'yung ano ko, 'yung pagte-treadmill ko,” pagbabahagi ng aktres.

“Pero buti naibalik ko, actually magtu-two months na 'kong nagte-treadmill,” dagdag pa niya.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG 'BLACK RIDER' SA GALLERY NA ITO:


Ibinahagi rin ni Katrina na noong una ay intermittent fasting lang ang ginagawa niya ngunit aminado siyang kailangan niyang habulin ang mga kasama niyang sina Jon at Ruru Madrid sa pagiging fit.

“Medyo 'pag ano, hinihingal na 'ko e, parang kailangan kong bumawi so nagtreadmill tayo uli,” sabi ng aktres.

Ayon pa kay Katrina, ang karakter niyang si Romana Tolentino Nadela ay isang trained assassin kaya medyo maraming training ang ginawa niya para paghandaan ang role.

“Big bike, tapos mga mixed martial arts. Sa sobrang dami, hindi ko na matandaan. Tapos hand combat, knife, mga ganiyan. Tapos gun, baril,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Katrina, “Ito na ata 'yung show ko na pinakamaraming trainings na ginawa ko.”

Inilarawan naman ni Jon ang karakter niyang si Calvin Magallanes bilang “sagad sa buto ang kasamaan.”

“Talagang medyo sakim or medyo uhaw na uhaw siya sa kapangyarihan kaya may mga magagawa siyang bagay na hindi talaga magugustuhan ng kahit sino sa atin sa totoong buhay,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Jon ay inspirasyon niya talaga si Romana, at nagbiro na, “Actually si Romana mismo 'yung pinaghanda kay Katrina Halili, hindi si Katrina 'yung pinaghanda (kay Romana).”

Panoorin ang interview nila: