TV

Michelle Dee, grateful na makasama sa cast ng 'Black Rider'

By Kristian Eric Javier

Grateful ang Miss Universe Philippines at actress na si Michelle Dee sa chance na maging parte ng hit action-drama series na Black Rider, at inaming matagal na niyang gustong makasama sa serye.

Sa interview ni Michelle kay Nelson Canlas sa “Chika Minute” para sa 24 Oras, ibinahagi na niyang matagal na niyang alam ang tungkol sa serye mula kay GMA Senior Vice President Attorney Annette Gozon-Valdez at Sparkle Vice President na si Joy Marcelo, bago pa ang production nito.

“Siyempre I knew na it was a motorcycle concept and alam niyo naman, I'm such an adrenaline junkie, 'I wanna be on that show!'” pagbabahagi niya.

Ngunit dahil kinailangan niyang lumaban sa naganap kamakailan na Miss Universe 2023 sa El Salvador ay hindi siya nakuha para sa isang role.

“I'm so happy that the extension happened, tapos nagka-chance akong makasama sa cast,” sabi ng aktres.

Ibinahagi ni Michelle na isa ang bida ng Black Rider na si Ruru Madrid sa oldest friends niya sa industriya, at nagbahagi pa ng isang fun fact tungkol sa aktor.

“Fun fact, actually one of our first projects together, naka-motor din kaming dalawa so parang full-circle moment,” kuwento niya.

BALIKAN ANG BUONG CAST NG 'BLACK RIDER' SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ibinahagi naman ni Michelle kung papaanong feeling blessed siya ngayong 2023 sa dami ng blessings na nakuha niya. Ngunit ano naman ang dapat abangan ng mga tagasubaybay niya sa taong 2024? Ayon sa aktres, “I just really want to keep working.”

Paglilinaw niya, “I wanna accept all the opportunities that I can, maraming kailangan abangan, maraming collaborations, maraming lipad sa ibang bansa.”

Dagdag ni Michelle, “Ultimately, I'd like to see the silver linings and see how I grow as a person also, and how can I continue to use my platform to keep doing what I started doing with it.