
Talagang tinutukan ng mga manonood ang isang malaking rebelasyon sa bagyong yugto ng full action series na Black Rider.
Sa wakas, lumabas na rin ang resulta ng DNA test na ipanagawa ng Golden Scorpion leader na si Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) sa pagitan nila ni Elias (Ruru Madrid).
Kahit na muntik pa itong masabotahe ni Calvin (Jon Lucas), nakumpirma nito na mag-ama nga sina Edgardo at Elias.
Sa parehong episode na ito, nalaman na rin ni Edgardo na pamilya ni Elias ang pinatay ni Calvin sa madugong Palangga Massacre.
Nagtala ang episode ng 13.9 na combined ratings mula sa GMA-7 at GTV, mas mataas ito kaysa sa naitalang 13.8 combined ratings na kasabay na programa mula sa tatlong magkakaibang channel.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa patuloy na pagharurot ng bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.