
Ipinagmamalaki ni primetime action hero Ruru Madrid ang kinalabasan ng top rating full action series na Black Rider.
"Masasabi ko, sobrang napakarami kong natutunan, napakaraming realizations, na alam ko magagamit ko sa mga susunod ko pang proyekto," lahad ni Ruru.
Katuparan daw ng mga pangarap niya ang Black Rider.
"Ang Black Rider journey ko, masasabi ko, it's the best feeling ever. Ito 'yung pangarap ko na alam kong binubuhay ko 'yung pangarap ko ngayon. I'm living my dream right now just because I'm doing Black Rider. Ever since bata ako, ito na 'yung pinapangarap ko na maging isang action star. Nabigyan ako ng opportunity to do this project so I'm very grateful," bahagi ni Ruru.
Umaasa daw siya na marami pang ganitong klaseng proyekto ang lalapit sa kanya.
"I'm looking forward na sana hindi ito 'yung huling beses na gagawin ko 'to. Napakasarap sa pakiramdam na every time na alam ko na may nabibigyan tayo ng saya at inspirasyon sa ginagawa nating proyekto. Napakasarap sa puso na ginawa ko 'tong proyekto na 'to at napakarami kong mga bagong naging kaibigan," kuwento ng aktor.
Sa huling linggo ng Black Rider, haharapin ng karakter ni Ruru na si Elias Guerrero ang mortal niyang kaaway na si Calvin (Jon Lucas) matapos nitong dukutin si Vanessa (Yassi Pressman). Maililigtas ba ni Elias si Vanessa? Siya rin kaya ang ama ng batang iniluwal nito?
Patuloy na panoorin mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Walang magpapaiwan sa papalapit na heroic finale ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 10:00 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream sa Kapuso Stream.