
Napatunayan ni primetime action hero Ruru Madrid ang kalibre niya bilang isang action star sa top rating full action series na Black Rider.
Ngayong malapit nang magtapos ang serye, umaasa si Ruru marami pang mga proyektong tulad nito ang matatanggap niya.
"'Yung mga dating ako, 'yung mga katulad ko na nagsisimula pa lang, nais kong makatulong sa kanila doon sa mga bagay na alam kong puwede po akong makatulong. That's the dream.' 'Yun 'yung ultimate dream ko but at the same time siyempre, ngayong na nakagawa po ako ng mga action-serye, hopefully, makagawa naman po ako ng isang action film," bahagi niya.
Isa rin sa mga pangarap niya ang mag-direct ng isang serye.
"Yes. Siguro sa ngayon kasi ang aking tatay, si direk Rommel Penesa, 'yan ang talagang naga-guide sa akin at sa journey namin na nagkasama, ever since Lolong. Noon pa, lagi ko siyang pinapanood kung papaano siya magtrabaho, papaano niya ginagawa 'yung mga eksena. Somehow, natututo ako, Eventually bukod sa pagdi-direct, gusto ko rin na mag-produce ng mga sarili kong mga proyektong gagawain at ako na rin po madi-direct," lahad niya.
Pero malayo pa daw ang pangarap na ito dahil marami pang plano sa kanya ang kanyang home network.
"But you know, ayoko pa pong isipin 'yan sa ngayon kasi I just want to focus on everything na pinagkaktiwala po sa akin ng network at kung ano po 'yung maiaambag ko doon sa mga proyektong 'yun," aniya.
Nakatakdang maging bahagi si Ruru pelikulang Green Bones, kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo at Sofia Pablo.
Produksiyon ito ng GMA Pictures at GMA Public Affairs at isa sa entries sa 50th Metro Manila Film Festival.
Patuloy na panoorin mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Walang magpapaiwan sa papalapit na heroic finale ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 10:00 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream sa Kapuso Stream.