Meet the cast of upcoming full action series 'Black Rider'

Pangungunahan ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid ang upcoming full action series mula sa GMA Public Affairs na Black Rider.
Ipinakita na ni Ruru ang ilang paghahanda niya para sa role niya dito. Nag-stunt training na siya para sa fight scenes at nag-training pa para sumakay sa superbikes.
Isa rin si Matteo Guidicelli sa mga naunang kumpirmadong bahagi ng serye. Ito ang unang serye niya sa GMA Network.
Ngayon, ipinakilala na rin ang iba pang mga makakasama nila sa show.
Silipin ang star-studded cast ng 'Black Rider' sa exclusive gallery na ito:
































