advertisement
TV

IN PHOTOS: Meet the cast of 'Bolera'

1 of 14

Bolera

Simula ngayong May 30, mapapanood na ang pinakabagong sports drama series ng GMA, ang 'Bolera.' Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Direk Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy.

2 of 14

Kylie Padilla as Joni

Gagampanan ni Kylie Padilla ang astig na Bolera na si Jose Maria "Joni" Fajardo Jr., isang billiard prodigy na mas titindi ang pag-aasam na makilala sa mundo ng billiards para maibalik ang karangalan ng yumaong ama.

3 of 14

Rayver Cruz as Miguel

Bibigyang buhay ni Rayver Cruz ang competitive at guwapong karakter ni Miguel 'El Salvador,' na isa sa magiging matinding karibal ni Joni sa billiards. Natalo noon sa pag-ibig, ngunit muling titibok ang puso dahil kay Joni.

advertisement
4 of 14

Jak Roberto as Toypits

Mapapanood naman si Jak Roberto bilang Pepito "Toypits" Canlas, ang kababata ni Joni. Siya rin ang magsisilbing unang manager ni Joni sa pagpasok nito sa mundo ng billiards. Magiging karibal niya si Miguel sa puso ng Bolera.

5 of 14

Gardo Versoza as Cobrador

Gaganap si Gardo Versoza bilang Marco "Cobrador" Santos na may malaking pangalan sa mundo ng billiards. Siya ang karibal ni Joma noon, na magiging kalaban din ni Joni ngayon.

6 of 14

Joey Marquez as Freddie

Si Joey Marquez ay mapapanood bilang si Freddie Roldan, ang magiging mentor ni Joni sa mundo ng billiards. Gagawin niya ito bilang kabayaran sa kasalanan niya noon sa dating kaibigan na si Joma.

advertisement
7 of 14

Jaclyn Jose as Tessa

Si Jaclyn Jose ay gaganap bilang Tessa Fajardo, ang napakasipag at ulirang ina ni Joni. Nadala sa pagkabigo ng asawa sa mundo ng billiards kaya hindi magiging supportive sa pipiliing landas ng anak.

8 of 14

David Remo as Tres

Mapapanood si David Remo bilang Tres, ang mapagmahal na nakababatang kapatid ni Joni. Handa si Tres na magsakripisyo para sa pangarap ng kanyang ate.

9 of 14

Al Tantay as Joma

Gaganap si Al Tantay bilang Jose Maria "Joma" Fajardo, Sr., ang mapagmahal at supportive na ama ni Joni. Siya ang dating billiards champion na magbabalik matapos na makitaan ng husay sa paglalaro nito ang anak na si Joni.

advertisement
10 of 14

Via Veloso as Marla

Si Via Veloso ay mapapanood bilang si Marla, ang may-ari ng bilyaran kung saan magsasanay si Joni.

11 of 14

Sue Prado as Roma

Si Sue Prado ay gaganap bilang Roma Canlas, ang supportive na ina ni Toypits. Isa siya sa malalapit na kaibigan ni Tessa.

12 of 14

Ge Villamil as Kikay

Mapapanood si Ge Villamil bilang Kikay, ang matalik na kaibigan ni Tessa.

advertisement
13 of 14

Julie Lee as Laura

Gaganap si Julie Lee bilang Laura, ang ex-girlfriend ni Miguel.

14 of 14

Luri Vincent Nalus as Pogi

Si Luri Vincent Nalus ay mapapanood bilang Pogi, ang tapat na tauhan ni Cobrador