BALIKAN: Bolera, ang huling sargo

"Paalam, Bolera." - Kylie Padilla
Trending na nagtapos noong Biyernes, August 26, ang kauna-unahang sports drama series ng GMA, ang 'Bolera.'
Agad na pumang-anim sa Twitter Philippines ang hashtag ng last episode nito na "BoleraKalmaHingaTira," na mayroong mahigit 7,720 tweets at si Kylie Padilla na mayroong mahigit 4,100 tweets.
Halo-halong emosyon naman ang naramdaman ng Kapuso viewers sa pagtatapos ng serye. Marami ang natuwa at naiyak para sa tagumpay ni Joni (Kylie Padilla). Maraming netizens din ang humihirit na magkaroon ng Book 2 ang Bolera.
"Ang ganda ng wakas niya, part 2 please," sulat ni Victoria Piamonte.
"Season 2 please [GMA Drama]? Please," pakiusap naman ni Ella Mae Calingo.
"One of the best! Talaga namang inabangan namin mula umpisa hanggang dulo, Bolera," sabi ni Jannah Barzaga Patawi.
"Congratulations, Bolera! Grabe napaiyak mo talaga kami hanggang sa huli. Sana may part 2," sabi ni Edwin Acervo.
"Napatalon ako sa tuwa, ang galing galing Jose Maria Fajardo Jr. You made it," masayang sabi ni Hera Eleanor C. Subido.
"'Bolera' is a masterpiece. Thank you, GMA Drama," dagdag ni Kong Arthit.
Balikan ang huling sargo ng ating Bolera rito:




















