TV

Kylie Padilla, 'thankful at grateful' sa pagbabalik teleserye

By Aimee Anoc

Umaapaw ang pasasalamat ni Kylie Padilla sa pagbabalik teleserye matapos ang halos tatlong taon.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang sayang nararamdaman nang makita na ang billboard ng pinakabago niyang proyekto sa GMA, ang Bolera.

"I'm so thankful. Thank you [GMA Network], [Sparkle GMA Artist Center], [Vic Del Rosario], and [Ate Molly Lasic] for taking care of me," sulat ng aktres.

Dagdag niya, "For the longest time, I didn't think makakabalik ako. But here we are with a show I absolutely fell in love with. Excited na akong mapanood n'yo. I'm so grateful."


Sa Bolera, gagampanan ni Kylie ang billiard prodigy na si Joni na susubuking makapasok sa male-dominated sport na ito.

Makakasama rin ni Kylie sa seryeng itong sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, David Remo, at Al Tantay.

Abangan ang world premiere ng Bolera sa May 30 sa GMA Telebabad.

Tingnan ang last taping day ng Bolera sa gallery na ito: