
Tatlong beses nang nagkasama sa serye sina Jaclyn Jose at Kylie Padilla, ito ay ang Ilustrado, TODA One I Love, at ang bagong Kapuso serye na Bolera. Pero may napansin kayang pagbabago bilang isang aktres si Jaclyn kay Kylie?
Sa naganap na mediacon para sa Bolera, sinabi ng award-winning actress na nananatili pa rin ang pagiging marespeto at husay ni Kylie sa trabaho.
"'Yung kabaitan naroroon pa rin. Why did I say that? 'Yung pagsasabi niya ng po at opo 'di mo na matatanggal sa kanya. Kapag nagsalita nang ganu'n ang isang bata, ang isang anak, ibig sabihin marespeto," pagbabahagi ni Jaclyn.
Dagdag niya, "Pangalawa, siyempre kapag ganyang mga bata parang si Andi na rin ang tingin ko riyan, parang anak ko na rin na totoo. Walang pinagbago--ugali, mukha, lahat, kagalingan. Focus siya 'e, focus."
Ayon kay Jaclyn, nagustuhan niya ang pagiging masiyahin at masipag ni Kylie. Aniya, "She's not suplada at all. She's very jolly. Biro mo kapag walang shoot 'yan pumapasok 'yan imbes na magpahinga. This girl is sobrang ang sarap maging anak."
Sa Bolera, gaganap na mag-ina sina Jaclyn at Kylie bilang sina Tessa at Joni.
Makakasama rin nila sa seryeng ito sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Al Tantay, David Remo, Via Veloso, Sue Prado, Ge Villamil, at Luri Vincent Nalus.
Abangan ang world premiere ng Bolera ngayong May 30, 8: 50 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang last taping day ng Bolera sa gallery na ito: