
Isang malaking karangalan para sa Unang Hirit host na si Suzi Abrera na makasama at makalaro ng billiards ang legend ng sport na ito na si Efren "Bata" Reyes.
Sa Instagram, ibinahagi ni Suzi ang karanasan na maturuan ng billiards ng "The Magician."
"Isang napakalaking karangalan na makasama ngayong umaga sa [Unang Hirit] ang "The Magician" sa larangan ng bilyar na si Efren "Bata" Reyes," sulat ni Suzi.
Noong May 19, muling ipinamalas ni Efren ang husay sa billiards matapos na makapag-uwi ng bronze medal sa carom sa 31st Southeast Asian Games na naganap sa Hanoi, Vietnam.
"Super sikat pala ng billiards sa Vietnam kaya super sikat din si Mang Efren doon. 'Di nga raw malaman ng mga Vietnamese kung 'yung kababayan ba nila o si Mang Efren ang ichi-cheer eh!" dagdag ni Suzi.
Samantala, abangan si Efren sa pinakabagong sports drama series ng GMA na Bolera kung saan makakasama rin niya ang iba pang billiards masters na sina Francisco Bustamante, Rubilen Amit, at Johann Chua.
Pinagbibidahan ang nasabing serye ni Kapuso actress Kylie Padilla na magsisimula sa May 30, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang mga larawan ni Efren Reyes kasama sina Francisco Bustamante, Rubilen Amit, at Johann Chua nang bumisita sa set ng Bolera sa gallery na ito: