
Napanood niyo rin ba ang signature jump shot ni Rayver Cruz sa billiards bilang El Salvador sa Bolera?
Ginawa ni Rayver ang nasabing technique noong Martes sa Bolera habang nasa isang billiards tournament.
Sa kaparehong araw, ibinahagi ni Rayver ang eksena niyang ito sa Instagram at pinasalamatan ang mga tagasubaybay ng serye.
Hindi naman napigiling humanga ng ilang celebrities at kilalang personalidad tulad nina Jak Roberto, Julie Anne San Jose, Rodjun Cruz, Aubrey Carampel, Djanin Cruz, Luri Vincent Nalus, at billiards champion Johann Chua sa husay na ipinakita ni Rayver sa sports na ito.
Patuloy na mapapanood si Rayver sa Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang ilang 'pogi' photos ni Rayver Cruz sa gallery na ito: