GMA Logo bolera poster
What's on TV

Pagkikita ni Joni at ng Pinoy billiards legends sa 'Bolera,' humataw sa ratings

By Aimee Anoc
Published August 17, 2022 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bolera poster


Patuloy sa paghataw sa ratings ang huling dalawang linggo ng 'Bolera!'

Mainit na inabangan ng Kapuso viewers ang espesyal na partisipasyon ng billiards legends na sina Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django" Bustamante, Rubilen "Bingkay" Amit, at Johann "Bad Koi" Chua sa Bolera noong Martes, August 16.

Sa episode na ito nakapagtala ang Bolera ng 12.7 percent na ratings base sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Napanood sa ika-57 episode ng Bolera ang pagpunta ni Joni (Kylie Padilla) sa Pool Masters billiard hall para magsanay sa nalalapit na pinakamalaking laban nito, ang Philippines 9-Ball Cup Championship.

Dito nakita ni Joni ang mga hinahangaang manlalaro sa larangan ng billiards na sina Efren, Francisco, Rubilen, at Johann, na nakalaro rin niya ng billiards. Naging inspirasyon ni Joni ang mga idolo para lumaban kahit unti-unti nang nawawala ang paningin nito.

Abangan ang pinakamalaking laban ni Joni kay Cobrador sa huling dalawang linggo ng Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG ILANG MGA LARAWANG KUHA SA SET NG 'BOLERA' KASAMA SINA EFREN REYES, FRANCISCO BUSTAMANTE, RUBILEN AMIT, AT JOHANN CHUA RITO: