GMA Logo Kylie Padilla, Efren Reyes, Francisco Bustamante, Rubilen Amit, and Johann Chua
Source: GMA Network
What's on TV

Kylie Padilla nang makasama ang Pinoy billiards legends sa 'Bolera': 'Talagang na-starstruck ako'

By Aimee Anoc
Published August 18, 2022 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla, Efren Reyes, Francisco Bustamante, Rubilen Amit, and Johann Chua


Noong Martes, nagkaroon ng espesyal na partisipasyon sa 'Bolera' ang billiards legends na sina Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django" Bustamante, Rubilen "Bingkay" Amit, at Johann "Bad Koi" Chua.

Hindi pa rin makapaniwala si Kylie Padilla sa pagkakataon na nakasama at nakalaro niya sa Bolera ang billiards legends na sina Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django" Bustamante, Rubilen "Bingkay" Amit, at Johann "Bad Koi" Chua.

Noong Martes, August 16, humataw sa ratings ang espesyal na partisipasyon ng Pinoy billiards legends sa Bolera kung saan pumalo ito sa 12.7 percent base sa tala ng Nielsen Philippines.

Sa TikTok live ng Bolera na naganap kahapon, August 17, ikinuwento ni Kylie ang unang pagkakataon na nakasama niya ang mga kilalang manlalaro ng bansa.

"Kasi sa totoo lang hindi talaga ako naglalaro [ng billiards] before. Pero dahil sa show na 'to nag-aral ako, inaral ko kung sino ang magagaling dito sa atin. And 'yun nakita ko sila lahat, sa YouTube pa lang 'yun," sabi ng aktres.

Dagdag niya, "Noong sinabi sa akin na magkakaroon ng taping day na kasama ko silang lahat, talagang na-starstruck ako. Hindi ako makapagsalita. Nakikinig lang ako sa kanilang lahat, parang hindi siya totoo. Sobrang saya at ang babait nilang lahat."

Patuloy na subaybayan ang huling pitong gabi ng Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG ILANG MGA LARAWANG KUHA SA SET NG 'BOLERA' KASAMA SINA EFREN REYES, FRANCISCO BUSTAMANTE, RUBILEN AMIT, AT JOHANN CHUA RITO: