GMA Logo Kylie Padilla and Gardo Versoza
What's on TV

Inaabangang laban nina Bolera at Cobrador, pumalo sa 15.5 ang ratings!

By Aimee Anoc
Published August 26, 2022 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Taekwondo medalists from the Philippines in the 2025 SEA Games
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Gardo Versoza


Huwag palampasin ang huling laban ng ating Bolera ngayong Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Patuloy na humahataw sa ratings ang pagtatapos ng kauna-unahang sports drama series ng GMA, ang Bolera.

Noong Huwebes, August 25, sa huling dalawang gabi ng serye, talaga namang inabangan ng Kapuso viewers ang paghaharap nina Joni (Kylie Padilla) at Cobrador (Gardo Versoza) sa final round ng 2022 Philippine 9-Ball Cup, ang pinakamalaking billiards tournament sa bansa.

Sa episode ng ito nakapagtala ang Bolera ng 15.5 percent, ang pinakamataas nitong ratings as of August 25, base sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Labis naman ang pasasalamat ni Kapuso actress Kylie Padilla sa napakainit na pagtanggap ng manonood sa comeback show niya mula simula hanggang sa pagtatapos nito.

"Actually noong ibinigay pa lang sa akin 'yung project alam kong masaya na ko. I felt really excited, grateful," sabi ni Kylie. "Tapos itong mainit na pagtanggap ng mga tao is just the reward after. Sobrang 'di ko ma-express 'yung happiness ko kasi syempre ang tagal kong nawala so may uncertainty sa side ko na papanoorin pa ba 'yung mga show na gagawin ko.

"I'm really thankful sa GMA and everybody, the cast and crew, our directors, producers kasi inalagaan talaga nila ako and they made sure na maganda 'yung comeback show ko. I'm really, really happy," dagdag pa niya.

Ayon kay Kylie, marami pang dapat na abangan sa pagtatapos ng Bolera. Aniya, "Nandyan 'yung kung sino ba ang pipiliin ni Joni? Mabibigyan na ba talaga ng hustisya ang pagkamatay ng tatay niya at nanay ni Toypits, si Roma? Nandyan din 'yung sino ang mananalo sa tournament nina Joni at Cobrador. Lahat po 'yun aabangan po natin."

Huwag palampasin ang huling laban ng ating Bolera ngayong Biyernes, August 26, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG PASILIP SA HULING LABAN NINA BOLERA AT COBRADOR DITO: