
Mula simula hanggang sa pagtatapos nito noong Biyernes, August 26, mainit na sinubaybayan ng Kapuso viewers ang kauna-unahang sports drama series ng GMA, ang Bolera.
Nataasan ng Bolera ang 15.5 percent na ratings nito noong Huwebes, August 25, at nakapagtala ng pinakamataas na ratings sa finale na pumalo sa 16.3 percent base sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod sa record-breaking na ratings, trending din sa Twitter Philippines ang hashtag ng finale episode nito na "BoleraKalmaHingaTira," na mayroong mahigit 7,720 tweets at si Kylie Padilla na mayroong mahigit 4,100 tweets.
Ang post-episode clip naman ng finale nito ay mayroon na ngayong mahigit 6.4 million views sa Facebook page ng GMA Drama.
Maraming salamat sa mainit na pagtutok sa Bolera, mga Kapuso!
BALIKAN ANG HULING SARGO NG ATING BOLERA RITO: