TV

Punchlines specially delivered by Bubble Gang

Bubble Gang last April 4. Ating balikan ang ilan sa nakakatuwang punchlines na binitawan nina Michael V. at ng iba pang cast ng longest running gag show ng bansa.



Kabit: Doc, tulungan niyo ako. Inatake sa puso ang boyfriend ko!
Doktor: Love? Walang hiyang 'to. Sinasabi ko na nga ba may babae 'to eh. Nurse, tulungan mo ako, ire-revive natin ang asawa ko.
Nurse: Bilib din ako sa inyo, Doc. Kinaliwa na kayo ng asawa niya, ililigtas niyo pa rin ang buhay niya.
Doktor: Aba oo naman. Ililigtas ko ang buhay niya dahil gusto ko, ako mismo ang papatay sa kanya.



Yna: Anak, nabasa ko ang pinost mo sa Facebook. 'Sobrang nakakainis ang buhay. #depressed.' May problema ba?
Selphie: Hay. Ayoko pong pag-usapan, personal.
Yna: Anak, tanong ko lang. Ano ang sense ng pagpo-post ng ganung drama kung ayaw mo namang pag-usapan? Nakakatanga lang. Kasi kung ganun kapersonal, dapat hindi mo na pinost. Kung gusto mo lang magpapansin, picture mo na lang i-post mo. At least 'yun nakakatawa, hindi nakakainis. May pa-hashtag-hashtag ka pang nalalaman. Buti hindi ka sinagot ng 'hashtag wala kaming pakialam.' Anong pagpapalabas 'yan? Paki-explain. Hashtag labyu!



Diego: Nung Grade 2 ako, aksidenteng naipit ang paa ko sa may pinto. Nung dinala ako sa clinic, aba, nguso ko ang ginamot. Pero, excused ako sa klase ng half day. Atlit!



Sef: Tata Lino, okay lang po ba maging babaero?
Tata Lino: Hijo, sa ibang lalake, ang babae parang Barbie. Okay lang paglaruan, mula umaga hanggang gabi. Pero hijo, ito ang matindi. Ang tunay na lalake, hindi naglalaro ng Barbie.



Angelo: Rey, maraming nakakapagsabi na nakikita ka na nakikipag-usap sa kabilang network. Diretsahang tanong Rey, lilipat ka na ba?
Rey: Hindi po. Ang loyalty ko ay dito po. Dito po ang loyalty ko.
Angelo: So ibig sabihin, hindi ka lilipat?
Rey: Ay hindi naman po sa ganun. I mean, I'm not closing my doors.
Angelo: Hindi mo naman sinagot ang tanong ko. Sabi mo ang loyalty mo nandito, tapos you're not closing your door. Pinagloloko mo ba kami? (Sabay suntok)
Rey: Aray ang sakit! Bakit mo ba ako sinasaktan?
Angelo; Sorry sorry. Nabubuwisit kasi ako sa mga tao na nagsisinungaling sa akin.

Makiisa sa walang humpay na tawanang hatid ng Bubble Gang, Friday nights after GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com