TV

Bubble Gang: United sa tawanan!

By Aedrianne Acar

Cool lang at bawal ang awayan, mga Kababol.

Sagot na namin ang papawi sa bad vibes n'yo sa sandamakmak na sketches at gags na handog ng Kababol barkada.

United tayo sa tawanan sa mga laugh-out-loud sketches na 'Away sa Bill', 'Handy Daddy', at 'Walang Buhay.'

Mapapanood n'yo rin this Friday ang mga paborito n'yo sa Bubble Gang na 'Marites United', 'What is the Meaning of This?', at 'Good Bayan.'

Everybody happy, dahil makikisaya rin ang Voltes V: Legacy star na si Liezel Lopez.

Wala na kayong hahanapin pa at sigurado ang all-out fun sa episode ng Bubble Gang this coming June 16 sa oras na 9:40 p.m.

Puwede n'yo rin mapanood ang kulitan sa flagship Kapuso gag show sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.

TINGNAN ANG ILAN SA VIRAL PHOTOS NG SPARKLE ACTRESS NA SI LIEZEL LOPEZ DITO: