
Tumaas lalo ang excitement para sa bagong parody song ng multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. na ipapalabas sa Bubble Gang ngayong Sunday night, July 30.
Sa social media post ng Kapuso ace comedian ngayong Huwebes ng hapon, may bago siyang teaser sa kanta na "Oh Wow" by Hilaw.
“OH WOW” by Hilaw
-- 📺 Michael V. GMA 🇵🇭 (@michaelbitoygma) July 27, 2023
Ano sa tingin n'yo ang first line?
This Sunday na sa #BBLGANG! pic.twitter.com/nVPUYBisXk
Kita naman sa mga fans ni Direk Bitoy online na looking forward na uli sila tumawa sa bagong masterpiece na ito ng Bubble Gang pioneer.
Excited na yehey 👏👏👏 https://t.co/jbpd5dxdAr
-- 🇵🇭 Kulet_Ai Oman 2 ᴬˡᵈᵉⁿ'ˢ ᴿᵉᵃˡⁱᵗʸ🇴🇲 (@Ai2Yummy) July 27, 2023
Hahaha https://t.co/y7vz9bc1Cu
-- Erl John Balayo (@errrrrlll) July 27, 2023
Tanong pa niya sa post , “Ano sa tingin n'yo ang first line?”
Samantala, ang hit OPM single na “Uhaw” ng bandang Dilaw ay umani ng 26 million views sa YouTube.
Mahulaan n'yo kaya mga Kababol ang first line ng kanta ng Hilaw? Tutukan 'yan ngayong July 30 sa all-new episode ng Bubble Gang sa oras na 6:00 p.m., bago ang Happy ToGetHer.
MORE OF MICHAEL V.'S HIT PARODY SONGS HERE: