
Sulit ang lahat ng effort ng award-winning Bubble Gang comedian na si Michael V. sa pagbuo ng viral hit na “Oh Wow!”
Ang naturang kanta ay parody ng hit single na “Uhaw” ng OPM band na Dilaw.
Matapos ipalabas ang full music video ng “Oh Wow!” sa Kapuso gag show nitong Linggo ng gabi, nakakuha na ito ng mahigit 33 million views sa iba't ibang social media platforms.
Kaya naman nagpaabot ng pasasalamat sa Instagram Story si Direk Bitoy sa lahat ng mga Kapuso at Kababol na nakinig at nanood ng “Oh Wow!” video.
Nagpaunlak naman ng panayam si Michael sa 24 Oras upang linawin na hindi “patama” ang parody song na ginawa niya.
Paliwanag niya sa “Chika Minute,” “I'd like to say it's a reminder. Hindi lang sa kanila (content creators), pati sa sarili ko. Sana maka-inspire tayo ng generation na 'hindi pa puwede, puwede pang pagandahin,'”
Panoorin ang buong panayam ni Michael V. sa video below.