TV

Zsazsa Padilla at Antonio Aquitania, excited na makita ang bagong parody song ni Michael V.

By Aedrianne Acar

Matapos ang success ng parody song ni Michael V. na "Oh Wow" last June, may bagong kakantahin uli ang award-winning comedian sa upcoming episode ng Bubble Gang.

RELATED CONTENT: Fun facts about 'Oh Wow':

Base sa Instagram post ni Direk Michael, ang perfect rainy weather jam ng bandang Lola Amour na “Raining in Manila” ang bibigyan niya ng unique twist.

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Excited hindi lamang ang Lola Amour, kundi pati ang Kapamilya singer na si Zsazsa Padilla at si Antonio Aquitania sa kulit music video na ito ng Kapuso ace comedian.

Source: michaelbitoy (IG)

Isa sa biggest OPM hits ng 2023 ang “Raining in Manila”- may 29 million views na ang lyric video nito sa YouTube at nakakuha ng mahigit 44 million streams sa Spotify Philippines.

Binubuo ang OPM band nina Pio Dumayas ( guitar and lead vocals), Martin Kim (Keyboards and background vocals), at Raymond King (bass and background vocals). Parte rin ng Lola Amour sina Zoe Gonzales (lead guitar), Angelo Mesina (trumpet), at Joxx Perez (Sax). Ayon sa ilang reports, ang drummer naman nila na si Renzo Santos ay umalis na sa banda para tumira na sa ibang bansa.

Source: Spotify Philippines

Manood ng Bubble Gang tuwing Linggo ng gabi sa oras na 6:00 pm, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.