TV

Yna, the 'Love Guru'

By AEDRIANNE ACAR

Wala na sigurong tatalo pa sa mga payo na ibinibigay ng isang magulang. Kaya naman nang magkaroon ng love problems si Selphie, to the rescue si Yna para bigyan ng advice ang anak. Wait! Teka! Advice talaga? hmmmmm something’s fishy.

Alamin ang opinion ng favorite ‘Nanay’ ng lahat tungkol sa pag-ibig sa transcript ng nakakatuwang conversations ng mag-inang Yna at Selphie.   



Yna: “Ano 'tong pinost mo: “You don’t need someone to complete you, just someone who accepts you completely,”

Selphie: “Naisip ko lang po. Based from experience”

Yna: “Anak hindi porket buwan-buwan nagpapalit ka ng boyfriend eh love guru ka na. Kung makapag-advice ka para kang allergic sa lalaki, pero pag nakakita ka naman ng pogi para kang may sili sa tumbong. Tapos ngayon magbibigay ka ng advice, kung kailangan ng followers mo ng tips kung paano maging malandi eh di go! Push natin yan.

Pero kung hindi naman eh itigil mo na 'yang pagmamarunong mo. Anong pagpapanggap yan ha. Paki Explain! Labyu!”

Sa ikalawang love situation, mukhang on the rocks ang relationship ni Selphie. Ang dating super sweet na samahan nila ng kanyang boyfriend nauwi sa word war sa Facebook.

Siyempre hindi ito nakalampas sa mapanuring mata ni Yna. Matutulungan kaya niya ang anak sa kanyang love problem o tatamaan lang siya sa pang-ookray ni Madir. Alamin!



Yna: “Anak boyfriend mo ba itong kaaway mo sa comments?”

Selphie: “Opo, nakakainis na nga po eh”

Yna: “Anak matanong ko lang bakit kailangan sa comments pa kayo magsagutan, kailangan ba talaga pag may issue kayo, mayroong audience? Isa-suggest ko sana na magbreak kayo, kaso baka sa FB niyo rin gawin. Sana sa PM na lang kayo nag-away or better yet mag-usap kayo ng harapan.

Gusto niyo dito kayo mag-usap at magkita para pag-untugin ko kayong dalawa?!? Yang isyu niyo ng boyfriend mo ang daming hits sa walakamingpakialam.com/awaybata.

Anong pagpapakaiimature 'yan? Paki Explain! Labyu!”


Kayo, may mga love problems ba kayo na nais isangguni sa resident Love Guru ng Bubble Gang? Panoorin siya tuwing Biyernes, pagkatapos ng GMA Telebabad.