TV

Ryan Bang, mapapanood sa 'Bubble Gang' sa Oct 15!

By Aedrianne Acar

Mangyayari na ang inaabangan n'yo na crossover mga Ka-Bubble!

Dahil sa darating na October 15, mapapanood na bilang guest sa Bubble Gang ang Kapamilya comedian na si Ryan Bang.

May pasilip na ang award-winning gag show sa exciting episode nila ngayong weekend, kung saan bibida rin ang Royal Blood star na si Lianne Valentin at Running Man Philippines cast member na si Lexi Gonzales.

Panalo rin ang mga hinandang sketches ng Bubble Gang sa Sunday Grande sa Gabi tulad ng 'Dubber', 'Walang Galang, 'Away Kapitan' at ang parody ng hit Netflix live-action adaptation na 'One Piece.'

RYAN BANG, MAPAPANOOD SA 'BUBBLE GANG:'

Kaway-kaway sa puno na good vibes ng episode ng high-rating comedy show na Bubble Gang ngayong October 15, pagkatapos ng Sparkle U sa oras na 6:45 p.m.