TV

Ryan Bang's 'Bubble Gang' crossover, nagtala ng mataas na TV ratings!

By Aedrianne Acar

Oppa-tastic ang episode ng award-winning gag show na Bubble Gang noong Linggo ng gabi (October 15), dahil nag-cross over ang Kapamilya TV host at comedian na si Ryan Bang.

G na G sa tawanan ang It's Showtime host, kung saan nakasama rin niya ang Sparkle talents na sina Lexi Gonzales at Lianne Valentin.

Bukod pa diyan, nagtala rin ang Bubble Gang ng mataas na TV ratings matapos ito makakuha ng 9.7 percent kontra sa katapat nitong programa ayon sa datos mula sa NUTAM People Ratings.

Bumida si Ryan sa "One Piece" parody sa gag show at sa mga sketches na "Dubber" at "Walang Galang."

Pinuri rin ng mga Ka-Bubble ang chemistry ni Ryan Bang kasama ang talented comedians ng Kapuso gag show.

Chewing Linggo ang umaatikabong tawanan sa Bubble Gang sa bago nitong oras na 6:45 pm, pagkatapos ng Sparkle U.

KULIT MOMENTS NI RYAN BANG KASAMA ANG KA-BUBBLE BARKADA: