TV

Diana Zubiri, hindi malilimutan ang 'Bubble Gang' experience

By Nherz Almo

Nanghihinayang si Diana Zubiri dahil hindi niya napagbigyan ang imbitasyon ng Bubble Gang na mag-guest siya sa programa habang nasa Pilipinas.

Kamakailan lang ay sandaling nagbakasyon si Diana sa Pilipinas para ini-endorso niyang Australian-based training provider na Signet Institute. Sa ngayon ay nakabase na ang aktres at ang kanyang pamilya sa Adelaide, Australia.

“Kinukuha nga ako ng Bubble Gang last week kaso lang hindi talaga ako puwede. Sayang talaga. Noong time na nagbakasyon ako sa kanila, yun talaga ang wini-wish ko, na sana makabalik ako,” sabi ni Diana nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media kamakailan.

Ayon kay Diana, gustung-gusto niyang makabalik sa Bubble Gang kahit bilang isang guest.

Pag-alala pa niya sa kanyang naging kasanasan bilang mainstay nito noon, “Napaka-light ng taping, 'tapos yung friendship with the comedians. Napakasaya kasi tawa ka lang nang tawa, ang saya-saya, 'tapos puro pagkain. Alam mo yun, sino ba naman ang ayaw makasama yung mga ganung tao, di ba?”

Kaya naman pabirong hirit ni Diana, “Sabi ko nga, kung mahihintay nila ako sa susunod kong pagbabalik.”

Para sa aktres, isa ang Bubble Gang sa hindi niya malilimutan sa kanyang showbiz career.

Kuwento niya, “Noong time na yun, hindi naman ako talaga magaling mag-comedy, di ba? Pa-sexy-sexy lang. Siguro, yung ginagawa namin yung SexBomb Girls… mayroong segment doon na mukha lang kaming tangang nagsasayaw. Happy lang kahit mukha kaming tanga. Alam namin na pagtatawanan kami kasi mukha kaming tanga.

“Alam mo yun, yun ang Bubble Gang, e, yun ang gusto ng mga tao. Ayaw nila ng super effort for you to laugh. Pero masaya, masaya yun.”

TINGNAN SI DIANA AT IBA PANG DATING BUBBLE GANG BABE NA MOMMY NA NGAYON:

Isa sa mga naging co-stars ni Diana na ipinagpapasalamat niyang nakasama si Michael V dahil sa kanyang patnubay, lalo na sa tulad nilang baguhan sa comedy noon.

Aniya, “Si Kuya Bitoy, wala akong masabi kasi yung guidance na binibigay niya sa amin noon. Sabi ko nga, hindi naman ako komedyante. Magagaling naman sila, kami ni Francine [Prieto] ang pinaka-last na pumasok noong batch namin. May guidance kung paano yung atake.

“Siyempre, minsan siya rin ang nagsusulat ng ibang gigs, so sinasabihan niya kami kung ano yung proper way na acting. 'Tapos, noong time na nga nawala ako sa Bubble Gang, sabi niya, 'Oh, bumalik ka na,' siya pa yung naggaganun. Sabi niya, 'Kung ako lang din naman ang masusunod, why not?' Kasi, may time na nagkaroon na ng conflict kasi lumipat din ako sa kabilang channel. Yun ang nami-miss ko.”

NARITO ANG ILANG ICONIC BUBBLE GANG CHARACTERS NI MICHAEL V.: