
May pahabol na parody song ang multi-awarded Bubble Gang star na si Michael V. bago matapos ang 2023 na nag-debut kagabi sa episode ng high-rating gag show.
Bumida sa 'Sipilyo' music video sina Direk Bitoy, Kokoy de Santos, Betong Sumaya at si Analyn Barro na gumanap na bride na ang ngipin ay kasing dilaw ng Pokemon na si Pikachu.
Ang kanta ay parody ng OPM smash hit na “Pasilyo” ng bandang Sunkissed Lola.
HOT BABE ANALYN BARRO:
Wala pang isang araw matapos ito ma-upload sa Facebook, nakakuha na ito ng two million views at nakapagtala ng mahigit 141,000 reactions.
Dagsa rin ang papuri sa Bubble Gang Facebook page ng mga netizen na tuwang-tuwa sa latest parody ng Kapuso ace comedian.
Ilan sa mga kanta na ginawan ng parody ni Bitoy this year ay ang kantang ng “Uhaw” ng Dilaw at pati rin ang single ng Lola Amour na “Raining in Manila.”
PARODY SONGS OF MICHAEL V. YOU SHOULD LISTEN TO: