
Naniniwala ang mga Sparkle talents na sina Betong Sumaya at Chariz Solomon na malaking parte ng success ng hit gag show na Bubble Gang ang kanilang creative team.
Buong pagmamalaki itong ibinida ng dalawa sa ginanap na 'Best Time Ever' media conference sa Studio 6 ng GMA Network kahapon, March 15.
Present din sa big event na ito ng GMA Entertainment group ang iba pang Ka-Bubble barkada tulad nina Paolo Contis, EA Guzman, Buboy Villar, Cheska Fausto, Matt Lozano, at Kokoy de Santos.
Ayon kay Betong, mahalaga ang “team work” para sa ikagaganda ng Bubble Gang every Sunday at inilarawan niya ang creative team ng kanilang show na “magagaling.”
“Team work naman kasi talaga sa Bubble Gang, hindi naman magagawa lang namin mga artista. Siyempre 'yung creative team ng Bubble Gang, sobrang gagaling, 'yung mga writers. Ang aming mga direktor, mga boss namin,” ani Betong.
“Kumbaga, teamwork talaga! 'Yun nga nag-aadapt siyempre 'yung Bubble Gang kung ano man 'yung napapanahon, kasi nga parang business nga, kailangan marunong kami mag-pivot.”
“Nandito sina Cheska, nandito sila Buboy… para nga naman siyempre nare-represent ang lahat ng age group.”
May nakakatawang hirit naman ang Sparkle comedienne na si Chariz Solomon tungkol sa kanilang Comedy Creative Director na si Caesar Cosme.
“Salamat sa aming mga bosses sa [Bubble Gang]. Hindi lang namin sila boss, boses talaga namin sila.”
Pagpapatuloy ng StarStruck alumna, “Siyempre si Direk Caesar Cosme, ano na, vintage na si Direk Cosme. Pero, nakita n'yo na naman 'yung ability nila to adapt to what is happening [and] what's going on right now. So, 'yun 'yung biggest secret. And siyempre, 'yung lagi kaming humble 'yun ang importante!”
RELATED CONTENT: KILALANIN ANG ILAN SA MGA FORMER KA-BUBBLE STARS
Tutukan ang summer special ng Bubble Gang sa mga darating na araw at panoorin ang numero unong gag show sa inyong mga puso tuwing Linggo sa oras na 6:15 pm pagkatapos ng 24 Oras Weekend.