TV

Bubble Gang: I-respeto mo ang pagka-pusa ko!

By Aedrianne Acar

Nanguna na naman sa TV ratings ang hit gag show na Bubble Gang last Sunday night!

Mukhang napa-"Best Time Ever" ang ating mga Ka-Bubble dahil base sa NUTAM People Rating noong April 14, nakapagtala ang award-winning comedy program ng 7.5 percent kontra sa katapat nitong programa.

Isa sa mga tinawanang sketch sa gag show ang kuwento ni Missy (Buboy Villar).

Problemado kasi ito sa kanyang pamilya na hindi tanggap ang pagkatao niya. Buti na lang nandiyan ang kanyang mga kaibigan to lend her support.

Bakit nga ba may conflict si Missy sa kanyang pamilya? Ano ang dahilan at bakit ayaw nila na i-identify niya ang sarili niya bilang isang pusa?

Balikan ang LOL moments sa 'Identify' sketch kung saan bida sina Buboy Villar, Paolo Contis, EA Guzman, Cheska Fausto, Faith da Silva, Analyn Barro, Chariz Solomon, at Dennis Trillo sa video below.

A day in a life ng mga anak mong identified as a cat at dog

Heto pa ang ilang eksenang masarap ulit-ulitin na napanood sa Bubble Gang:

Online selling na walang puhunan? PM is the key!

Sindikato ng mga tsismoso

Literal na pulis patola!

Gender reveal o lahi reveal?

Sino ang dapat sisihin?

'Yung pareho kayong mahiyain ng tropa mo

For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.