
Wow na wow ang suporta ng viewers para sa longest-running gag show na Bubble Gang tuwing Linggo ng gabi!
Sa huling datos ng NUTAM People Rating noong August 11 nakamit ng award-winning comedy show ang 9.8 percent TV ratings.
Isang lalaki ang nagrereklamo (Buboy Villar) kay Barangay Chairman (Betong Sumaya) dahil wala daw respeto ang mga tao na biglang nambasa sa kanya.
Ayon sa kapitan, tradisyon kasi sa lugar nila ang basaan tuwing may piyesta.
Para matulungan ang lalaki, gusto ng Barangay Chairman na ire-enact kung paano nabasa ang biktima.
Umabot pa sa ipinatawag niya sa mga kasamahan niya si Boy Dila (Kokoy de Santos) para malaman kung papaano talaga binasa ang lalaki.
Ano kaya ang mangyayari sa matinding basaan sa Barangay Hall? Balikan ang funny 'Basaan sa Barangay' sketch na napanood sa Bubble Gang kung saan bumida sina Buboy Villar, Betong Sumaya, Cheska Fausto, Matt Lozano, Kokoy de Santos, EA Guzman, at Paolo Contis.
'Pag fiesta, dapat binabasa?
Heto pa ang ilang eksena na masarap ulit-ulitin na napanood sa Bubble Gang:
Widows' Ward, ang hospital ng mga biyuda!
Herlene Budol, nahawa sa lakas ng tama ni Ana!
Tapang-tapangan now, patay-patayan later!
Homeless na may kasambahay?
'Pag mag-isa, malungkot na agad?
Keyboard warrior na duwag!
Mga "kunwaring" tanong ni Misis
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.