
Wow na wow ang suporta ng viewers para sa longest-running gag show na Bubble Gang tuwing Linggo ng gabi!
Sa huling datos ng NUTAM People Rating noong August 18, nakamit ng award-winning comedy show ang 8.6 percent TV ratings.
Nagulo si Ate (Analyn Barro) nang biglang may pumasok na paruparo sa kanilang tahanan. Kaya agad niyang inutusan ang bunso niyang kapatid (Kokoy de Santos) para gamitan ng tsinelas ito at mapalabas.
Pero bago pa nila mabato ang butterfly, bigla silang pinigilan ng kanilang nanay (Herlene Budol) dahil ito raw ang yumao nilang lolo!
Kayo Ka-Bubble, ano ang sasabihin n'yo sa paru-paro na diumano ay mga mahal natin sa buhay na namayapa na?
Balikan ang funny 'Lolo Niyo 'Yan' sketch na napanood sa Bubble Gang kung saan bumida sina Kokoy de Santos, Analyn Barro, Chariz Solomon, at Herlene Budol.
Lolo kong na-double dead!
Heto pa ang ilang eksena na masarap ulit-ulitin na napanood sa Bubble Gang:
Chismis ng Olympic Gymnast
Sa letrang O, Olats si Kokoy!
Nag-shopping kasi problemado o nabigyan ng bonus?
Tropa mong adik sa ketchup
Palit anak o gawa na lang ulit?
Gold Medalist si Mother sa chismisan!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.