
Super lakas ng suporta ng viewers sa longest-running gag show na Bubble Gang tuwing Linggo ng gabi!
Nitong September 8, nakakuha ang award-winning comedy show ng 9.5 percent TV ratings base sa datos ng NUTAM People Ratings.
Major crush ni Joey (Paolo Contis) ang dalaga na si Marge (Elle Villanueva). Pero mukhang magugulat siya nang dumating ito na kasama ang isang guwapong guy na si Bryan (Kokoy De Santos).
Ang binata, maraming senyales na certified yayamanin. Mula sa pagkakaroon ng driver, may kasambahay since birth, at pati sa OOTD, walang duda na rich kid!
Ito namang si Joey, mayayabangan kay Bryan at tila pakiramdam niya ay pinapasikatan siya nito!
Dahil dito hahamunin niya ito ng suntukan. Ang tanong, paano makipag-away ang isang rich kid?
Balikan ang kulit 'Rick Kid' sketch kung saan bida sina Chariz Solomon, Kokoy De Santos, Elle Villanueva, at Paolo Contis sa video below.
Heto pa ang ilang eksena na masarap ulit-ulitin na napanood sa Bubble Gang:
Mister, pinatamaan si misis sa Family Feud!
Ma, Pa, pahingi pang social climb!
The Kantanods!
Mr. steal your jokes!
Survey says, yari si mister!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Mga Kababol, you can also watch the Sunday night episode via livestreaming on the YouLOL YouTube channel.