What's on TV

BINI-b10's ''Salarin, Salarin' parody gets over 16 million total online views

By Aedrianne Acar
Published September 30, 2024 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Salamin, Salamin parody song


Late BLOOMers ang salarin sa pag-trending ng parody song ni Michael V.!

Hindi pa man pinapalabas sa Bubble Gang ang parody version ng kanta na “Salamin, Salamin” ng popular P-pop girl group na BINI, trending at viral na ang kanta na likha ng Kapuso ace comedian na si Michael V.

Sa katunayan, ang teaser MV ng “Salarin, Salarin” ay nakakuha ng mahigit seven million views sa Facebook bago ito mag-debut sa Kapuso gag show noong Linggo ng gabi, September 29.

At ngayong Lunes, nakakuha na ng total accumulated views na 16.9 million ang parody hit ni Direk Bitoy across all social media platforms base sa datos na inilabas ng show.

Patuloy rin ang pagtaas ng total plays ng "Salarin, Salarin" music video na may 2.6 million views na sa iba't ibang social media pages matapos ito ma-upload.

RELATED CONTENT: MEET THE STUNNING MEMBERS OF BINI-b10

Ang single na “Salarin, Salarin” ay pinerform ng Ka-Bubble girl group na BINI-b10 na pinangungunahan ni Direk Bitoy bilang si Bini MAY JOWANA.

Kasama rin ng award-winning comedian sa performance sa music video sina Kokoy De Santos, Matt Lozano, Buboy Villar at Betong Sumaya.

RELATED CONTENT: MORE OF MICHAEL V.'S PARODY SONGS

Noong Mayo, ipinalabas din sa Bubble Gang ang parody version ng kanta na "Lagabog” nina Skusta Clee and Illest Morena.