TV

The next breed of Bubble Gang stars

BY AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Kinilala ang galing ng Bubble Gang veteran na si Michael V., hindi lamang dito sa ating bansa, kundi pati na rin sa ibayong dagat.

Beethoven del Valle Bunagan sa totoong buhay, pinatunayan ng premier comedian ang kanyang talento na hinubog ng ilang taong pagtratrabaho sa showbiz industry.

Sa katunayan, maituturing na isa siya sa most awarded artist sa Asian Television Awards kung saan siya nanalo ng tatlong beses sa kategoryang Best Comedy Performance by an Actor from 2004-2006.

Last year, Michael V. was highly commended by the Asian TV Awards for his performance as a comedy actor for ‘Bubble Gang’.

Kaya naman ng makapanayam ng GMANetwork.com si Bitoy, itinanong namin kung sino-sino sa mga cast members ng Bubble Gang ang sa tingin niyang may potential.

Ayon sa kanya, among the boys daw, bilib siya kina Sef Cadayona, Betong Sumaya at Mikael Daez. While sa mga Bubble Gang girls naman ay sina Chariz Solomon at Denise Barbacena ang umaangat.

“Hirap magbanggit ng ano [pangalan]. Given na naman si Paolo (Contis), given na si Tonio, si Dos.

“Si Mikael umuusbong ang galing. Actually, dun sa Ismol Family makikita mo na nakatulong din kahit papaano 'yung Bubble Gang [sa] acting niya, [sa] pagiging komedyante.

“Sa mga babae, si Chariz paborito ko ‘yan, kahit noon pa. Doon sa bagong gang si Denise [Barbacena], siyempre siya nga 'yung nanalo at kaya nga siya nanalo.’

Dagdag pa ng Kapuso star, “Pero hindi ko sinasabi na hindi okay si Jan Manual (laughs). Binawi bigla? Lahat sila [magagaling].”