TV

Balakubak: Keempee or Congressman Gatchalian, sino sa mga ex ni Pauleen Luna ang ililigtas niya?

By AEDRIANNE ACAR


Dumaan sa matitinding tanong ang Dabarkad at long-time girlfriend ni Bossing Vic Sotto na si Pauleen Luna sa "Balakubak" portion nila Tweety, Cookie at Bellie sa Bubble Gang last Friday.

Buong tapang sinagot ng Kapuso actress ang mga tanong tulad na lang kung madalas ba magselos si Bossing Vic at anu-ano ang madalas nilang pinag-aawayan?

Sagot ni Pauleen, “Hindi daw. Hindi niya lang ako kakausapin [giggles]. “

“Hindi kami madalas mag-away. Most of the time. it’s about time. kasi busy siya, busy ako, parang ganun lang, nothing major”

Going strong na ang three-year relationship ni Pauleen at ng Eat Bulaga veteran. Tawag nga daw ni Pauleen kay Vic ay ‘babe’.


Inusisa naman ni Tweety ang dalaga sa mga naging ex-boyfriends niya na sina Congressman Sherwin Gatchalian at Keempee de Leon.

Kung saka-sakali, sino ba daw sa dalawa ang ililigtas niya kung lulubog ang bangka na sinasakyan nila?

Tugon niya, “Siguro si Keempee, kasi hanggang ngayon friends pa rin kami.”

Pinabulaanan naman ni Pauleen na hindi sila maayos ng kanyang ex-beau na si Congressman Gatchalian, pero hindi na daw nila na-maintain ang kanilang friendship matapos ang break-up.

“Hindi naman [kami magkaaway] pero parang hindi na na-sustain ‘yung friendship.”