TV

“Natural comedian si Marian” – Paolo Contis

By AL KENDRICK NOGUERA



Maagang nagsimula sa showbiz si Kapuso actor Paolo Contis kaya’t maituturing na siyang beterano sa industriya. Pero ayon sa Yagit star, kahit dekada na ang binibilang niya sa pagiging artista ay mayroong bagay pa rin daw na nagpapahirap sa kanya sa pag-arte.

“I find it hard to make people laugh especially with our culture since the Filipinos cry easily. Emotional tayo,” pahayag ni Paolo.

In fact, mas challenging daw ang pagpapatawa niya sa Bubble Gang kaysa sa pagkokontrabida niya sa Afternoon Prime soap.

Aniya, “'Pag sa soap, madaling magpaiyak. Maging honest actor ka lang kaya mo na 'yon. Pero it's hard to make people laugh especially ‘pag weekly mo ginagawa. So para sa 'kin mas challenging 'yung comedy.”

Nang minsang mag-guest si Marian Rivera sa Bubble Gang, na-amaze raw si Paolo dahil sisiw lang sa Primetime Queen ang magpatawa. “Natural comedian si Marian eh,” saad niya.

Ayon kay Paolo, sana raw ay maging madalas ang pag-guest ni Marian sa gag show. Marami raw kasi silang plano ni Michael V. para sa upcoming lead star ng The Rich Man’s Daughter.

Kuwento ni Paolo, dahil sa galing ni Marian ay gumawa sila ni Bitoy ng isang on-the-spot sketch. “Sabi namin ni Bitoy, gawa tayo ng sketch na Michael Cinco. So ginawa nga. Siya [Bitoy] ang nagsulat, kami ang nag-conceptualize,” anang Yagit star.

Watch: Ang Bagong ni Marian Rivera

“Hopefully kapag bumalik si Marian, it could be a recurring sketch with her. I think mga two or three more guestings pa [sa Bubble Gang],” pagtatapos ni Paolo.