TV

#HUGOT: P.A.R.D. of 'Bubble Gang' releases new music video

BY AEDRIANNE ACAR

Matapos tayo patawanin ng mga nakakaaliw nilang music videos tulad ng Kwek-Kwek at Saging, muling nagbabalik ang super quartet na binubuo nila Boy II Quizon, Antonio Aquitania, Roadfill Sparks at RJ Padilla or mas kilala sa tawag na P.A.R.D. with their newest single Hugot.

This time kasama nila sa music video ang pinakasikat na ermitanyo sa balat ng lupa, si Tata Lino (Michael V).



Kinunan ang buong video ng magpunta ang cast nang Bubble Gang sa Caramoan, Camarines Sur para sa kanilang summer episode.

LOOK: 'Bubble Gang' goes to Caramoan

Full force ang buong cast ng longest running gag show dahil featured din sa naturang music video ang mga Bubble Shakers na sina Andrea Torres, Sam Pinto, Arny Ross at Gwen Zamora.

May special participation din sina Rufa Mae Quinto, Paolo Contis at Chariz Solomon.

Ang director ng Hugot video ay si J.H. Magtoto, samantala tumayong executive producers naman sina Boy II at Antonio.

Matapos ito ma-upload noong May 1 may 119,106 views na ito sa YouTube as of May 5 (6:20 P.M.).