Michael V. at Dilaw band, pinahanga ang netizens nang kantahin ang 'Oh Wow!' parody song

Inantabayanan ng mga Ka-Bubble ang performance ng multi-awarded comedian na si Michael V. kasama ang sikat na OPM band na Dilaw sa second part ng anniversary special ng Bubble Gang nitong November 26.
All-out ang performance ni Direk Michael at Dilaw nang kinanta nila ang parody ng “Uhaw” single na “Oh Wow.”
Matatandaan na umani ng milyon-milyong views across all social media platforms ang parody song na “Oh Wow” matapos ito mag-debut sa episode ng gag show noong July 2023.
Sabi pa ng isang netizen na nakaka-“goose bump” ang concert performance ni Bitoy with the Dilaw band.
Source: michaelbitoy (IG) and Bubble Gang social media pages
Sinabi na noon ni Michael V. sa isang panayam sa 24 Oras na isang paalala ang kanta na “Oh Wow” para sa mga content creator tulad niya.
“I'd like to say it's a reminder. Hindi lang sa kanila (content creators), pati sa sarili ko. Sana maka-inspire tayo ng generation na 'hindi pa puwede, puwede pang pagandahin.'”
NARITO ANG IBANG FUN FACTS ABOUT THE PARODY SONG "OH WOW":








