TV

#IMBG20: Behind-the-scenes ng 'Bubble Gang' documentary ipinasilip

By AEDRIANNE ACAR

Mga Kababol malapit niyo nang mapanood ang inihandang sorpresa ng Bubble Gang para sa 20th anniversary nila ngayong buwan.

READ: 'Bubble Gang’ receives another recognition on its 20th anniversary  

In Photos: Gwen Zamora and beau Jeremy Marquez in the Land Down Under 

Dapat niyong abangan ang special documentary na binuo ng longest running gag show ng bansa. Sa katunayan nag-post ang comedy genius na si Michael V ng ilang behind-the-scene photos ngayong Huwebes (November 12).

Tiyak punong-puno ng tawanan ang documentary special na ito lalo na makakasama ng mga Kababol ang mga dating mainstays ng show tulad nila Ogie Alcasid, Assunta de Rossi, Ara Mina at Diana Zubiri.

May special participation din ang mga sikat at multi-awarded news anchor ng Kapuso Network na sina Mike Enriquez at Jessica Soho.